Mga Pahina

Sabado, Hulyo 28, 2012

Bakit nga ba pambansang kaibigan??

Bakit nga ba yan ang bansag sakin ng mga taong nakakakilala sakin? Base sa kanilang obserbasyon sakin, e madami daw akong kakilala sa iba't ibang lugar siguro dahil na din sa nagugulat sila pag kasama nila ako sa galaan na may makikita silang nakakasalubong namin na nginingitian ako o di kaya naman e, kinakawayan ako. Pati sa school, madami daw akong kakilala parang halos lahat ng nakakasalubong ko e nginingitian ako pero ang totoo mahiyain ako sa una.:) Siguro sakin, mahilig lang talaga akong makihalubilo sa iba o di kaya naman e makipag kaibigan, dati texter talaga ako as in nagsasali ako sa mga Clan nung kasagsagan pa nun,doon nagkaroon ako ng mga kaibigan, tapos mahilig nga din ako sa mga social network site, pati magsasali sa mga group at sa school naman kaya siguro madami din akong kilala e kasi isa akong Student Volunteer sa Registrar office, patambay tambay lang ako dun pag twing vacant ko o kaya naman pag gusto kong magpalamig dun. Sa office dun ko nakikilala yung ibang mga Student Assistant, kami yung nag aassist lalo na pagdating sa enrollment. Kaya din siguro nabansagan nila akong ganun kasi nga pansin nga nila na madami akong kakilala. Masaya  naman yung feeling na ganun  pero syempre iba pa din yung mga taong maituturing kong tunay na kaibigan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento