Mga Pahina

Martes, Agosto 14, 2012

Iilan nalang sila..

sabi nga nila marami daw akong kaibigan at kakilala, masaya naman ako dun pero ngayon ko nararamdaman na iba pa din ang saya ng may tunay na kaibigan yung tipong masasabihan mo ng mga sekreto at problema, yung  mapapagkatiwalaan mo, yung hanggang makinig sayo. Ngayon, ramdam ko na iilan lang talaga ang matatawag kong tunay na kaibigan, hindi na katulad dati na kapag malungkot o masaya ako may maaari akong masabihan nun, parang ngayon naglaho na, hindi ko alam kung bakit. Tapos parang mas masaya pa kong mag kwento sa mga taong malalayo sakin, siguro nga dahil malayo sila at thru text o tawag lang ang aming communication hindi akong nahihiyang magkwento sa kanila. nakakamiss ang mga panahong madami akong nakakausap pero mas okay na din naman ngayon na kahit uunti lang sila atleast sila yung mga taong talagang nakaclose ko at hindi ako mahihiyang mag open sa kanila..

Miyerkules, Agosto 1, 2012

ako na daw ee..

isang way ng communication naming magkakaklase dati e, mag usap using our company's email address. mas madali kasi ee, tapos kanina habang nagpapalitan ng conversation, nauwi sa gantong usapan..natawa naman ako sa nabasa ko pero sad to say hindi ko kilala yung tinutukoy nyang kawork pero familiar sakin yung face ni kuya..




Sabado, Hulyo 28, 2012

Bakit nga ba pambansang kaibigan??

Bakit nga ba yan ang bansag sakin ng mga taong nakakakilala sakin? Base sa kanilang obserbasyon sakin, e madami daw akong kakilala sa iba't ibang lugar siguro dahil na din sa nagugulat sila pag kasama nila ako sa galaan na may makikita silang nakakasalubong namin na nginingitian ako o di kaya naman e, kinakawayan ako. Pati sa school, madami daw akong kakilala parang halos lahat ng nakakasalubong ko e nginingitian ako pero ang totoo mahiyain ako sa una.:) Siguro sakin, mahilig lang talaga akong makihalubilo sa iba o di kaya naman e makipag kaibigan, dati texter talaga ako as in nagsasali ako sa mga Clan nung kasagsagan pa nun,doon nagkaroon ako ng mga kaibigan, tapos mahilig nga din ako sa mga social network site, pati magsasali sa mga group at sa school naman kaya siguro madami din akong kilala e kasi isa akong Student Volunteer sa Registrar office, patambay tambay lang ako dun pag twing vacant ko o kaya naman pag gusto kong magpalamig dun. Sa office dun ko nakikilala yung ibang mga Student Assistant, kami yung nag aassist lalo na pagdating sa enrollment. Kaya din siguro nabansagan nila akong ganun kasi nga pansin nga nila na madami akong kakilala. Masaya  naman yung feeling na ganun  pero syempre iba pa din yung mga taong maituturing kong tunay na kaibigan.

Miyerkules, Hulyo 25, 2012

newbie

gumawa ako ng account dito para mag follow at magbasa ng magbasa ng mga blog ng iba. meron na kong personal blog sa tumblr at under construction pa po ang blog na eto. naway magustuhan din ninyo at magkaroon din ako ng mga kaibigan sa mundo ng blogger.com